I’ve always been the cautious type when it comes to my things when I'm out in the streets. Lagi kong chinecheck ang mga bulsa ko to make sure na andon pa ang wallet at cell phone ko tuwing bumababa ako ng jeep or trike. Ingat na ingat ako sa cell phone ko ever since I had one as a gift from my parents for my high school graduation.
I've already changed phones twice. My first one was a very reliable 3310. Then came my 3530. Downloading of games ang naging malaking problema sa 3530 ko. Syempre, banang-bana pa ako sa mga java games, nami-miss ko siguro ang Gameboy ko. Tapos syempre, libri pa ang GPRS kaya kapag P1 na lang load ko, todo download na ako. It broke down four times all in all. I guess I never learned my lesson. Finally after the fourth time (and a year since I bought it), I tried sweet-talking my parents about buying me a new phone. Gustung-gusto ko kasi yung 3660 ng orgmate ko nun eh. Siguro nasa good mood sila noon kasi nagbayad ng utang ang tito ko kaya after 2 days of ‘deliberation’, I got the 3660 that I so wanted (using my tito’s payment).
And I so love this phone. I've been using it for a year and 3 months now. In fairness, I havent changed housing. I'm still using the original kahit na puro gasgas na ito. My phone is a gameboy, organizer, alarm clock, tickler notebook and camera all in one. Syempre obvious na ung use niya as a communication device. At in fairness, I could store hundreds of text messages with its multi-media card. Sentimental kasi akong tao.
I couldn’t live without my phone. Well, I could actually live without texting. Except siguro during times when it’s really useful, like contacting family, friends or groupmates for obviously valid reasons. Kaya nga ingat na ingat ako dito. Hindi ako masyado takot sa mandurukot, siguro dahil feeling close lang ako kay Lord kaya confident ako na hindi ako mapapasali sa mga malas na nadudukutan. Iniisip ko lagi, engot na lang ako kung pababayaan ko lang itong mahulog sa bulsa ko.
At engot ako noong May 21 – kasi nahulog ito sa trike ng subdivision namin. Nakalimutan ko i-check ang bulsa ko. And I didn’t realize it after 3 hours. Noong una, kala ko, kinuha lang nga mga pamangkin ko. tuwing pag-uwi ko kasi laging ang cell phone ko ang una nilang tinatanong, mag-ge-games daw. Pero wala dwa sa kanila. Baka natabunan sa mga maduming damit sa bag ko. I tried calling it. It was ringing pero di ko marinig ang Kitchie Nadal ringtone ko. It was then that it dawned on me what I thought would never happen to me – I lost my cell phone.
Nag panic ako diyan! Although for a second, naisip ko na makakabili na ako ng bagong phone! But no! Mahal ko ang 3660 ko at kuntento ako dito. I didn’t need a one-megapixel camera or personalized themes or longer video recorder. I needed my 3660 back – my phone book (damn! Sabi ko na eh, dapat linista ko na 3 days ago yung contacts ko!), messages (oh no! wala na yung sweet and comforting messages ng mga friends ko that never fail to cheer me up whenever I read them during bouts of loneliness) and my java games (shit! Paano na ang mga high score ko sa Summer Games at Siberian Strike!).
I got it back though. I was sure that it fell on the trike on my way home. Kasi the last time I checked, andun pa siya noong pagbaba ko sa jeep. I tried calling it and after 5 tries, sumagot din yung driver. I was ‘obliged’ (more of ‘binuyo’ actually) na bigyan siya ng ‘reward’ (more of ‘balato’ I think). Pero P90 lang and dala ko (I intentionally didn’t bring my wallet). I really didn’t want to give money and I’d rather give a token or some goodies for his kids siguro bilang pasasalamat. Ang pangit kasi tingnan, parang binabayaran ko siya for being honest. All the trike drivers in the terminal were cheering him on when he said, “Ganun na lang ba yun?”. Huwaaat?! Well, pa-joke naman niyang sinabi yun. Pero obvious na nag-eexpect nga siya. Syempre ayokong ipahiya siya sa harap ng mga kumpare niyang driver. Eh kung gulpihin ako!
I was thankful that the first time I stupidly lost my cellphone, the stranger who found it was honest. I mean, swerte pa rin ako diba? I mean come on! Ilang trike driver ba ang magbabalik ng colored cell phone? Siguro mga ilang libo rin yung phone ko kung ibebenta niya sa Greenhills! Pero yun nga, swerte ako at nakatyempo ako ng honest na tao.
But despite his act on honesty, hindi pa rin ako bilib sa kanya. Nainis kasi ako noong sinabi niya yung “Ganun na lang ba iyon?”. Kahit na pabiro pa. Feeling ko tuloy, binalik lang niya yung phone ko dahil feeling niya super yaman yung may-ari at bibigyan siya na malaking reward. Syempre nga naman, malinis na konsyensiya niya, may pera pa siya! Nakisawsaw pa yung ibang drivers, as if naman makakatanggap rin sila ng grasya.
Kung tutuusin, deserved nga niya ang magka-reward. Mahirap nga naman ang buhay ngayon. Pero sana naghintay na lang siya ng kusa ako mag-bigay. Edi sana, na-guilty pa ako na P90 lang binigay ko. Edi sana, bilib na bilib na ako na may tao pang tulad niya (aside from me, hehe). Edi sana, binigyan ko pa siya ng mas malaking halaga. Edi sana, sinarado ko na sa P100. Joke lang!