Recent Thoughts

Friday, December 16, 2005

21st Birthday Reflections Eklavu

Ito ang pinakamasayang birthday ko ever – as in, to the point na hindi ko ma-explain kung bakit.
Dahil ba nandiyan na laptop ko? Well, siguro nga. Ilang buwan ko ring hinintay ito, diba? Para akong batang na-depress noong October nung nalaman kong maghihintay pa ako ng 3 months para sa laptop.
Dahil ba umuwi ang mga parents ko? Malaking factor din ito. Pero hindi na kasi issue sa akin ang pagiging OFW nila eh. Sanay na ako at naiintindihan ko. Having my parents around will not make or break my birthdays. If they’re around, it’s just icing on the cake.
Dahil ba may birthday bash budget ako? Haha! Iyun nga siguro. September pa lang sinabi ko na kay Mama na gusto kong mag-party sa birthday ko. Sabi ko close friends lang, walang kung sinu-sinong kamag-anak or family friend. Maswerte naman ako dahil kahit madami bagsak ku noong 1st sem ay hindi binawi ang pang-treat ko.
My birthday itself was uneventful and boring sans for my T-Shirt which said, “It’s my birthday today, please buy me a drink”. Bakit? Gumagawa lang naman ako ng tatlong pages ng technical report na due 5pm noon araw din na iyon. It was like any other academically hectic day. Pero bumawi si Lord sa gabi. Ito ay dahil pinagluto ako ng aking Matimtiman Family, namely Mikai, Cyrille and Porshe ng isang masarap ng Nilaga. And with buddy Paul, Jerome, Rjei, Jowie & Gary, they surprised me with a Chocolate Mousse cake. May banner greeting pa ako.
And guess what? Tumuloy kaming boys sa condo nina Gary para mag-inuman. Yup, you read right, MAG-INUMAN. First time ko yata pumayag na makipag-inuman with AguPips.
December 15 was a still a big day for me (actually, birthday naman ng Ate ko this time around). Day 2 baga ng aking 21st Birthday Celebrations. Syempre, it’s Oblation Run & Lanterd Parade Day! Well, hindi na ako sabik sa Oble Run kasi nakapanood na ako. Ironic nga eh, sa first 3 years ko sa college na pinlano ko manood nito, I never had a good spot. Hindi naman sa excited ako makakita ng mga birds, hello? I see one many times a day, diba? Gusto ko lang makapanood for experience. Pero last year and this year kung saan hindi na ako looking-forward sa event na ito dahil I already saw it in my 3rd year, dumaan pa sila mismo sa harapan ko.
After the Lantern Parade, diretso na kami sa Kenny Roger’s Katips. This is it! This is the party na pinapangarap ko. And boy, I’m so glad it went well. Food was great – Kenny R ba naman, diba? Most of my most treasured friends were there, except for a few who couldn’t come due to some valid reasons. Pero okay lang.
Then there was the Gift Giving Ceremony that the Sampelut Girls prepared. For me it was the best part of the evening. Of course, the gifts were great, pero, the words and stories behind them were way way more valuable for me. Mayroon pa akong Message Board, debut na debut talaga ang dating. It’s the best birthday card ever for me.
May Starbucks after-party pa ako. Unfortunately, not everyone ay nakasama, some had to go home na. Pero tuluy pa rin ang saya! Kwentuhan ditto, spin the bottle doon. Buti nga may nakuha pa kaming seats eh. Nakuha ko na rin iyung Starbucks 2006 Planner ko.
This is my best birthday ever. No amount of words or blogging can ever be suffice to convey how thankful I am to have such a wonderful set of my family and friends.
It really feels good to know that I have touched a lot of lives in a positive way. Not to sound arrogant or conceited, I owe these people a lot as well. Akala niyo ako lang nakatulong sa inyo? Hindi ah! Tinulungan niyo rin ako, in ways more than one. Sometimes, aware kayo, sometimes, hindi. You made my first 21 years of life worth living. You were there through the good times and the bad. You were there when I wasn’t my best self. Grabe, natiis niyong pakisamahan ang taong tulad ko. Despite my imperfections as a person, you accepted me and let me in your inner circle of trusts, as much as you were very well inside mine. You made me laugh, you made me cry even. You made me do things I never thought I would or I could do. You taught me lessons in life that I needed to know. You were there to cheer me on sa mga laban ng buhay ko. In short, you, my friends and family, are God’s manifestation of Himself, that He is always there for me. Whew! Tutal, nabanggit ko na rin si God, Lord, maraming maraming salamat! Sobra! You’re the Man! =)

**********************
Obvious ba na sobrang late ko na nai-post ito? ngayon ko lang natapos eh.. hehe..

Quick Thoughts