Recent Thoughts

Tuesday, December 06, 2005

Blogs Galore!

Arrrgh!!?! Nakakainis! Bakit naputol 'tong blog entry ko na ito? Nakalahati! Grrr... Anyway I'll try to write again what I wrote back in December (April 28 na kasi ngayon).

CoE197A Class


Kapapalit ko lang ng title ng blog ko kani-kanina lang. "Mga Blogs ng isang taong hindi naman madalas makapag-blog". O diba, akmang-akma na siya! Eh sa totoo naman eh. Andami nangyari sa akin noong November, pero ni isang blog about them wala akong naisulat. Ewan ko ba. May inspirasyon naman ako, may paghuhuugutan. Pero kapag kaharap ko na ang monitor at keyboard. Wala na ako masyado masabi. Pero kung naglalakad pauwi, or bago matulog, andami kong naiisip!

Therefore, lahat ng hindi ko nasulat dati, isusulat ko ngayon.
____________
PROBIE

Yup! Probie ako ngayon sa Eng'g. Para sa mga nakakakilala sa akin, this is something surprising. I'm not being cocky about it, pero siguro, sabihin na lang natin na hindi aakalain ng mga tao na mangyayari sa akin ito. I've failed a subject or two before but never in my dreams na ibabagsak ko ang 80% ng load ko. October pa alam ko na na mangyayari ito. Pero nag-sink in lang siya nung November, nung naging Dismissed ang status ko. Grabe, hindi ko alam ang ilalagay ko sa Letter of Appeal ko. Tipong alangan namang sabihin ko na 'ako'y tao lang, nagkakamali rin', haha!
At kamusta naman ang paghihintay ko sa result ng appeal ko? Agony of waiting talaga! Almost a week akong pabalik-balik sa Eng'g for at least three times a day. Kaya pala matagal ang result ko ay dahil na-misplace ang Readmittance Paper ko. Edi sana, 2 days lang akong kinabahan kung Eng'g pa ba ako hindi! Nakakainis talaga. The best talaga ang staff ng Eng'g Admin.

____________
EPAL

Epal. Ang lakas ng dating ng salitang ‘to no? Para ka na ring minura, pero hindi. Nasabihan kasi ako ng epal.

Geesh, ayoko nang balikan 'tong time na sinulat ko 'to. Basta, tinawag akong epal. Pero bati na kami ngayon. Diba, Ngot? Haha! Sabihin na lang natin na ginagawa ko lang ang sa tingin ko'y tama. I only had the best intentions, not for me, but for other people. But it backfired. Dapat talaga alam mo kung kailan ka makikialam at kung kailan hindi. Hindi dapat tinutulungan ang mga taong hindi naman humihungi ng tulong.

Pero masarap maging epal eh! =)

____________

Ayan, hindi ko na maalala ano title nung 3rd part ng blog na 'to. hmmm... Basta, it had something to do with 'everything happens for a reason'.
Kasi noong timeframe na ito (November-early December), marami akong naging problema, maraming nangyari na hindi masyado maganda. Tapos hindi ko alam kung bakit. I was so clueless as to what God wants to tell me with all the bad things that's been happening. Line of reasoning ko kasi, when something bad happens, there's a reason, there's a lesson to be learned. But in this case, I can't extract the meaningful lesson. For me, the hurt / pain was so unnecessary.


Arrrghhh! Nakakabanas talaga! Bakit kasi nabura 'ito! Siguro nung inedit ko dati ito, dun ko nabura... grrr. whatever. Wala na rin akong magagawa. hmmmpf!

Thursday, November 03, 2005

Mag-Anak ni Jasper

Habang ang lahat ng tao ay nasa sementeryo nung November 1, ako ay nasa bahay, ginagawa ang project ng pamangkin kong si Jasper. Sa isang ½ illustration board, idikit daw ang mga myembro ng iyong pamilya at lagyan ng description ang bawat isa. Ang title daw ay ‘Ang Aming Mag-anak’. So ayun, nanghiram ang sina Ate Joi (nanay ni Jasper at kapatid ko) ng digicam at pinicture nila ang mga chikiting dahil pangit daw kung cut-outs lang. Noong una, humingi lang ng advice sa akin kung ano magandang presentation sa project. Nag-comment naman ako diyan, bandang huli, ako pa tuluy pinagawan ni Ate Joi.

Naalala ko tuloy ang nanay ko. Nung maliit ako, siya rin nag-aasikaso ng mga project ko, lalu na kapag kailangan ng artistic presentation at hindi lang simpleng mga report. Biruin mo, ni hindi naman talaga artistic si Mama. Si Ate Joi ang laging naaatasang mag-lettering sa folder ng “Proyekto sa Ganyan” o “Project in Ganito”, gamit yung mga plastic stencils. Syempre, hindi pa uso ang MS Word. At syempre, si Ate Joi din ang mag-tatype using a typewriter.

Grabe, parang kailan lang yun. Ngayon ang mga pamangkin ko na ang may mga kung anu-anong mga project. At ang Ate ko na – bilang isang nanay herself – ang busy sa pag-aasikaso sa mga requirements nga mga kids sa school.

“Ang ganda ng project ko!” sabi ni Jasper sa project niya. Kahit sa akin ang concept, I made sure na siya pa rin ang gagawa sa project niya. Nung bata kasi ako, naiinis ako sa mga kaklase ko na ang gaganda ng mga project, obvious naman na hindi sila ang gumawa. Kaya ayun, si Jasper ang inatasan kong mandikit nung mga art paper sa illustration board. Well, ako na ang nang-gunting ng mga art paper, baka kasi maputulan pa siya ng daliri. Sa sobrang proud niya, pinagalitan pa niya yung bunso nyang kapatid kahit na hinahawakan at tinitingnan lang yung project. Sabi niya, “Hoy Justin! Huwag mong guguluhin ang Mag-anak ko!” =)

My Blog List

Quick Thoughts


Powered By Blogger