Recent Thoughts

Monday, January 10, 2005

Di Na Natuto

Ilang beses na nga ba akong bumagsak sa mga major subjects ko ngayon? Sandali, parang hindi ko na yata mabilang. Alam ko na! Ilang beses na nga ba akong pumasa? Dalawa… out of nine? Grabe, ganoon na nga ba ako ka-bobo at ka-delingkwente?

Bakit nga ba ako bumabagsak? Ang hirap ng mga exam eh! Ipa-design ba naman ang isang p***ng i**ng frequency sythesizer that will generate a fundamental f0 and its p***ng i**ng harmonics!?! Hindi naman itinuro iyon eh! Tama ba naman iyon? Objective part na nga lang ang tangi kong pag-asa sa exam, iyon pa ang tatanggalin.

Iyon nga lang ba ang problema – na mahirap magpa-exam ang aking mga propesor? O ito lamang ay isang rasyonalisasyon ng mga nakagawian ko – na sa totoo lang, ay hindi naman ako talagang nag-aral nang husto? Well, guilty as charged.

Tulog kasi nang tulog! Diba dapat tulog nang late, gising nang maaga? Ang nangyayari kasi, tulog nang maaga, gising nang late pa! Tumatawad pa 5 minuto na nagiging 30 minuto na nagiging 1 oras na nagiging 2 oras tuwing nag-aalarm ang cell phone eh!

Kapag may exam, alam ko naman by experience na hindi dapat ako nagsisimulang mag-aral the night before. Kaya lang, 2 nights before, it’s either inaantok ako dahil napuyat ako the night before sa katatapos ng machine problem ko, may activity sa org or na-frustrate lang ako dahil kahit anong basa ko, hindi ko pa rin maintindihan (tatanong ko muna bukas sa kaklase ko!). Resulta? 31.25% na standing. Di bale, may dalawang exam pa at finals.

Sabado ang 3rd exam, Tuesday night pa lang, subsob na ako sa main library hanggang gabi. Tinapos ko na ang kalahati ng mga readings mo. Nung last exam, nagsisimula pa lang ako by 8.00pm the night before. Sabi ko sa sarili ko, Kaya mo yan! O diba, sobrang advanced reading ka ngayon! Well, relative sa iyong regular cramming habit. Resulta? Tinapos ko ang exam 2-hour exam ng isang oras! Grabe na ‘to! This is too good to be true. First time in years na lumabas ka ng exam room nang masaya! Haay, mabuti naman at may pag-asa akong makuha ang 80% na kailangan ko sa lahat ng natitira kong exam para lang maka 3.0.

Ganun naman lagi every sem eh. Sa simula, kunwari nakikinig ako, nag-te-take down ng notes. After 1 week, kapag hindi ko na naiintindihan, nag-rarandom na lang ako sa calculator ko, nagtatanong ng kung anu-anong kalokohan. I’ll make a deal with you God, may itatanong ako, please answer through my scientific calculator. Gusto ba niya ko? Kapag even, yes. Kapag odd,no. Shift + Ran#. EXE. 0.825. Yes!! Liligawan ko na ba siya? Kapag even, yes. Kapag odd,no. Shift + Ran#. EXE. 0.713. Yes!!

Kung minsan naman, nakakaantok talaga ang aking mga guro. Kahit nagkakandahirap akong tiisin ang pagkabagot, try-and-try-until-you-die pa rin ako sa pakikinig. Kapag di ko na talaga matiis, asan na nga ba yung calculator ko? Sino ang pipiliin niya? Kapag even, ako. Kapag odd, siya. Shift + Ran#. EXE. 0.496.(Buntong hininga) Siya…God, is our deal still on?

At ngayon, katapusan na naman ng sem. Gaya ng inexpect ko, habulan to the max pa rin ako sa mga subjects ko. Major subjects pa man din!

Gusto ko man sabihin na next sem, mag-aaral na talaga ako!, hindi ko magawa, nahihiya na ako sa sarili ko sa kaka-pangako na aayusin ko na ang aking study habits. Gagawin ko na lang, huwag mangako. Kailangan eh. Hindi na ako mag-papa-distract sa kung anu-ano. Studies first. Kahit org ko pa (yeah, right! Para namang matitiis ko). Mas lalong kahit pag-ibig (no comment).

My Blog List

Quick Thoughts


Powered By Blogger