Noun: state of enmity without hostilities: a relationship between two people or groups that is unfriendly or hostile but does not involve actual fighting or military combat.
Ito na yata ang pinakamasamang giyera na lalabanan mo sa talambuhay mo. The damage it could cause penetrates through your very heart. Naks, anlalim noh? Eh sa totoo naman eh.
Hindi lang naman kayo nagkikibuan kahit na isang metro lang ang pagitan niyo. Whereas dati, kahit 10 meters away pa lang ay hindi na kayo magkamayaw sa dami ng kinukwento niyo. Wala na rin yung, “Oh, kamusta naman iyung ganyan mo.. eh yung ganito mo, okay na?” Ngayon, para lang hindi makapansin ang ibang tao, mapagtitiyagaan mo na ang “Oo..”, “May exam ako mamya..” or “Ano inorder mo?”
Ang pinakamahirap sa lahat, kapag unti-unti nang nasisira ang pagkakaibigan nang dahil lang sa pride ng bawat isa dahil walang unang gustong kumausap doon sa isa. Eh siya ang may kasalanan eh! Siya dapat mag-approach sa akin noh. Given na siya nga, eh paano kung wala naman siyang guts? Or masyado lang siyang insensitive? O di kaya naman ay kasalanan mo naman talaga at hindi mo lang alam? Paano mo malalaman kung hindi naman kayo magkausap nang matino? Ang hirap, diba? Kapag pa naman nasugat ka sa mga ganitong giyera, matagal ang pag-papagaling.
Andami mong gustong sabihin, hindi mo masabi-sabi. Gusto mong sabihin na lahat-lahat para matapos na. Pero wala eh, paano mo nga ba sisimulan? Ang mga bagay na dati’y madali mong nasasabi, ngayon, hindi na. Kasi nga, hindi kayo okay.
Higit sa lahat, sobrang lamig talaga ng pakiramdam.
Ito iyung mga tipo ng giyera na hindi ko alam kung paano ko maipapanalo. In the first place, kailangan ba talaga na may manalo at may matalo? Diba dapat pareho tayo panalo pag tapos na ang giyera? Kasi back to being allies na ulit tayo eh. Pakshet, parang pang-high school ‘tong problemang ito. Bakit kasi nangyari pa ito! Ano bang ginawa kong kasalanan? Gusto ko iyong dati, iyong tayo ang magkakampi, hindi ngayong magkalaban tayo.
|