January 20 Sa mga nakakakilala sa akin, maniniwala ba kayo kung sabihin ko sa inyo na ako ay sumayaw sa The Basement ng Libis? Si Rex? Nasa Basement? At sumayaw pa?! Yeah, right! Ako rin eh, hindi ako makapaniwala. Pero totoo. =)
It was Cyrille’s 19th birthday. At ang
Hindi naman sa gusto kong agawan ng moment ang birthday girl, pero momentous event din ang gabi sa buhay ko, haha! Wala lang, first time ko mag-night life sa
Nagmistulang tourist guide pa si Mikai. “Eto ang McDonald’s… eto naman ang Mini-Stop… Pag ganitong oras, blah blah…” At least naapply talaga niya ang course niya diba?
Medyo hassle nga eh. Kasi katatapos lang ng exam ko sa isang major at 8pm, diretso ligo at bihis ako para sa aming night life gimik. Kaya ayun, antok na antok ako pagpasok at pag-upo namin sa Basement. Sa pinakaharap pa man din kami nakapwesto. So we were actually on the dance floor. Habang nag-yoyosi si Por at Yek, CR nang CR si Rjei at
Hindi ko talaga hilig ang pag-sayaw-sayaw, lalo na sa harap pa ng ibang tao. I once said that if my life depended on dancing, I’d probably be dead by now. Ironic nga eh, to think na nakikipag-dance contest (at nananalo) pa ako nung Elementary ako. So anong nangyari? Hindi ko alam! Haha! =)
Ako lagi ang naiiwan sa table kapag yugyugan na. Ayun, nagbabantay ng mga bags, habang inuubos ang pulutan at ang aking iced tea (hindi rin ako umiinom, kasi ampait!). Pero sa pagkakataong ito, dahil nag-request ang birthday girl, wala akong choice but to oblige. Ayoko naman maging kill joy. At isa pa, mukhang wala rin naman akong magagawa if ever dahil hindi daw sila papayag matapos ang gabi nang hindi ako nakakasayaw.
Nang sayawan na, sinubukan kong magmakaawa kay Mikai na huwag na lang akong
Isa itong gabing hindi ko makakalimutan. Kahit sobrang antok ako at may
|