Recent Thoughts

Sunday, March 12, 2006

Reprogrammed

For the nth time, nasira na naman ang 3660 ko. At kinailangan ko na naman siyang ireprogram. Normally, hindi ito malaking problema – aside from the P400 na impambabayad ko sa pagpapagawa. I mean, hello?! Para lang sa pag-connect ng isang wire mula sa PC nila papunta sa phone ko at pag-click lang ng ilang buttons doon sa Nokia software nila, P400 na kaagad?! Oh well, wala naman ako magawa. Anyway, every now and then naman, bina-backup ko iyung phone memory ko. So tuwing nasisira ang phone ko, I just reload my backup, at okay na!

Not this time. But I saw this coming.

One day last December, habang bina-backup ko phone ko, bigla na lang Memory Card: System Error! Hala, lagot na! Kasi, aside from the fact na hindi natapos ang pangbaba-backup sa phone memory ko, nabura na rin iyung dating backup. Ganun kasi talaga, bago simulan ang backup process, binubura muna iyung lumang copy. Magmula noon, nakikinita ko na malapit na ‘mamatay’ ang phone ko. Kasi kung anu-ano nang mga error at kapalpakan at nararanasan ko.

The last straw was last week. May Contacts: System Error! Aba, bago ‘to ah. Hindi lang naman marecognize ang mga numbers ng mga friends ko na nagtetext sa akin, samantalang, naka-save naman sila phone book ko. Tapos, meron pang Application closed: mce! Hay nako, ngayon naman, hindi ako makapag import ng phone numbers sa Contacts ko whenever I create a new message. At hindi na rin ako makapagforward ng text. (Damn! Paano na ako magfoforward ng Desperate Housewives quotes!) At nung Saturday afternoon, nakita ko na lang na nakapatay ang phone ko at ayaw na nitong sumindi. Haay, finally, bumigay ka rin.

Pero patay, wala ako copy ng mga Contacts ko. Eh antagal na nung huling pag-bababackup ko sa SIM Contacts ko. Paano na iyung mga bagong numbers ko, especially iyung mga friends ko na nag-switch na to Globe? (Haha!) At, paano na iyung mga birthdays sa Calendar ko?! Uulitin ko na naman lahat iyon.

Kasi naman, sana ibili na lang ako ng bagong cellphone. In fairness, 2 years na tong 3660 ko sa March 14. Iyung first phone ko na 3310, 2 years ang tinagal. Iyung 3530, 1 year lang. Maganda kaya iyung N90? Haha! Wish ko lang! P30,000 yata ang mga iyun eh.

Pero huwag ka, ang Papa ko na hindi naman marunong magtext ay naka-N90. Actually, 6670 iyung sa kanya eh. Pinagmamalaki pa naman niya iyun noong last na pag-uwi nila. Sabi namin ng ate ko, napaka-high tech nga ng phone mo, hindi mo naman alam gamitin o kalkalin ang features! Sayang na sayang. Kaya ayun, bago siya umalis pabalik ng Bahrain, nilambing siya ni Ate at binigay na lang sa kanya. Kaya ngayon, bumili siya ng N90. Hay Papa, ibang level na naman ang phone mo, alam mo kayang gamitin? Aware ka ba na may 3G na yan? Sana ibigay mo na lang sa akin. Kaya lang sa December pa iyun. Kaya for now, pagtitiyagaan ko na lang ‘tong 3660 ko. Basta huwag lang mawala ang mga pictures at messages na pinakaiingatan ko. Iyun naman ang mas importante sa akin eh.

My Blog List

Quick Thoughts


Powered By Blogger