Recent Thoughts

Saturday, June 10, 2006

Blogs Galore! 7: New TV shows Edition

KAPAMILYA, DEAL OR NO DEAL

Inspite of it being dragging and boring most of the times and top that with an ill-considered host, it's a guilty pleasure that I'm hooked at this show, hehe! =p
*I'm actually a fan of Kris Aquino, but I don't think she's the perfect host for the show's format. Not that she sucks for me, pero basta, hindi niya bagay. I like her best of PGKNB sans the times she gets too nosy of the pyramid round contestants' personal lives.
*If you think about it, DOND is just a sophisticated and prolonged version of Laban Or Bawi crossed with Pera O Bayong. The all-important decision is made at the start of the game -- and that is to choose the box with the jackpot amount. What happens between the time when the player chooses which box he or she wants up to the time we learn what's in that box is the 'exciting' part.
*I'm still at awe at how Kris manages to get each of the 26K's names correctly. Wala naman siyang papel na hawak. Medyo malabo din ang teleprompter kasi half the time ay diretso ang tingin niya sa mga babae at hindi siya lumilingon kung saan-saan pa. Well, she probably met them weeks ago, and knowing Kris, she must've memorized their faces by then.
Anyway, gustung gusto ko pinapanood to pag kasama ko ang 3 kong pamangkin. Ginagaya nila kasi ang mala-April Boy gesture ni Kris whenever she shouts "deal or no deal?!" Kakatuwa nga eh, pag-uwi ko kahapon, nadatnan ko sila, playing their own version of the game. Nasa gate pa lang ako, naririnig ko na si Jasper shouting "deal or no deal?!" Tawa ako nang tawa pagpasok ko sa kwarto nila. Bakit? kasi nilabas nilang 3 magkakapatid ang mga briefs nila to serve as 'briefcases'. Haha! I know, kung matanda ang mag-jojoke about it, corny ang concept na gumamit ng brief as briefcases. Pero naman, maiisip ba iyon ng mga ordinaryong 7-year-old, 5-year-old at 4-year-old? Haha!


__________
LET'S GO

It's the new youth-oriented sitcom aired on the time slot used to be lorded over by TGIS, Growing Up, Gimik and Berks. Hehe. So ABS-CBN 2 decided to bring back the timeslot to teenagers, eh? On it's pilot ep, in fairness, tawa naman ako nang tawa, especially with the friendship bracelet thing. Ansaya kasi, medyo may pagka-UP ang feel ng cast ensemble. Kaya nga ba sa AS Steps shinoot yung isa sa mga commercial nito? Ewan. =p Sayang naman, I eventually read that it's a copycat from an old Korean series. Pero ok lang, since hindi ko naman napanood yun, edi feeling ko naman ay orig 'to, hehe. Tsaka nakaka-miss din yung may inaabangan ako tuwing Saturday. Nung maliit kasi ako, one of the weekend's highlights ang Saturday, 4pm. Pinapanood ko talaga ang mga teenybopper na palabas sa TV, hehe. Pero syempre, when I was a teenager myself, nacornihan na ako sa Gmik at Click. Paano ba naman, what they present on these shows is nothing like what I actually experience as a teenager.
Anyway, sana maging orig ang show na to, at least in terms of plot. At wag ka, may mall show pa pala ito, hehe. =p

__________
CAPTAIN BARBELL

Waw, totoo ba ito? Am I really posting about a Kapuso TV show? Hehe. Well, di ko naman talaga siya pinapanood, lalu na't katapat nito ang KDOND. But that didn't prevent me from getting curious about the show that been burying its competition alive with 40%+ ratings almost everyday. From what I've read, it's an extreme copycat of one of my favorite TV series - Smallville. Grabe daw ang pang-gagaya to the point na hindi na daw siya faithful sa story ng comics. (Sa mga CB fans, totoo ba ito?). So tuwing commercial, sinisilip ko ang GMA 7 for CB. Pero syempre, asa pa ako na ma-analyze ko nang husto ang worth ng show sa ilang segundo diba? So I'm going to say if it is indeed crap or not. What you'll read are just my observations, this isn't really a review.
*Si McDonald's Coke Float girl pala ang leading lady? Haha! Months ago lang eh lagi kong inaabangan yung commercial dahil nagandahan talaga ako sa kanya (to the disagreement of my friends, hehe). Aba, malayo na narating ni tell-me-is-it-love girl ah!
*For one, I don't really like Richard Gutierrez. Since his Click days, I've always considered him to be over-rated. Yeah, he's good-looking and all, but he doesn't deserve such volume of fans. At least si Angel Locsin (na I suppose ay kasing sikat niya, in terms of how much TV Ratings Power their TV starrers have), kahit papaano ay may acting talent.
*The $50,000(?) costume is impressive ah! But then again, alam kong medyo nagpalaki ng katawan si Richard (nasa Cosmopolitan yata siya, diba?), pero hindi pa obvious na hindi talaga ganoon ka-defined ang muscles niya? Gwapo si Richard Gutierrez kay Vic Sotto at Mark Bautista, pero at least alam nina Lastikman kung ano ang bagay sa kanila at hindi! Hehe. =p
So there, that's my 2 cents worth on CB. Nakakalungkot pero kung magka-square off between Teng and Clark, kahit Filipino si Teng, Clark na ko noh! No contest. Besides, at least Clark has decent surname. Teng 'Magtanggol'?! Anong nangyari sa magagaling na writers ng Encantadia at Etheria? Nasisante ba sila? =p It's sad that for a copycat, this show is having the lion's share of the ratings. Maybe because most of the GMA's loyal viewers don't watch Smallville, hehe.

Quick Thoughts