Recent Thoughts

Monday, May 21, 2007

PINAKA-AYAWs

Na-enjoy ko nang husto ang pagsagot ko sa survey na ito na galing kay Heneroso. At in Filipino pa siya. So pinost ko na rin dito. Wala rin naman akong matinong maisip na topic.

1. PINAKA AYAW MONG KULAY

:: Color combo na lang: Brown & Violet

2. PINAKA AYAW MO SA KAIBIGAN
:: Walang utang na loob / traydor

3. PINAKA AYAW MO SA MANLILIGAW O
NILILIGAWAN
:: Masyadong pa-damsel-in-distress

4. PINAKA AYAW MONG DAMIT
:: Yung mainit isuot! Lalu na kapag hindi aircon ang lugar / pupuntahan

5. PINAKA AYAW MONG HAIRSTYLE
:: Err, syempre yung di ko bagay, haha! On other people, yung naka-gel at naka-spike paharap na parang binungkal ng kalabaw sa sobrang pagkapantay ng mga linya! Nakow, that's so 10 years ago, haha!

6. PINAKA AYAW NA SINASABI SAYO
:: That I'm not good enough (even if I try).. Naks, drama..

7. PINAKA AYAW MONG INIINOM PAG MAY
GIMIKAN
:: Yung mga shina-shot. Ampait eh!

8. PINAKA AYAW MONG LUGAR
:: Basta kahit saan na kadiri at madumi

9. PINAKA AYAW MONG PALABAS? BAKIT?
:: ABT UR LUV -- kahit eye-candy ang mga artista dito, sobrang AMPANGIT ng presentation at pag-tackle nila ng love t relationship issues ng kabataan. Dapat kasi makatotohanan at may social relevance. Hindi yung pa-kornihan at pa-baduyan

10.PINAKA AYAW MONG WEBSITE
:: Yung mga bloggers na puro ranting ng mga walang kwentang bagay o mabababaw na problema. Tsaka yun AlTeRNaTe CaPs pa ang spelling at kung may anu-ano pang ,.punctuat!0n.,. Haha!

11.PINAKA AYAW MONG PAGKAIN
:: Err, hindi ko alam kung ano ang tawag nila sa Tagalog eh, basta yung tinatawag namin na 'burong isda' sa Kapampangan, yung mukhang suka ng pusa, haha! Tsaka pala hipon (and similar seafoods), allergic eh

12.PINAKA AYAW MONG PABANGO. BAKIT?
:: Yung pabango ng Mama ko. Hindi naman sa mabaho siya. Pero kapag naamoy ko sa ibang babae, ayoko, haha!

13. PINAKA AYAW MONG PRUTAS?
:: Mga hindi ko kinakain - duhat, santol

14. PINAKA AYAW MONG YOSI
:: All of them, haha! Hindi naman kasi ako naninigarilyo.

15. PINAKA AYAW MONG BINABASA
:: See #10. Tsaka yung mga gwabeh ang spelling. Yun tipong ang simpleng 'ok po' ay nagiging 'ouwkhei powh'!

16. PINAKA AYAW MONG UNIT NG CELL
:: Yung mga hindi user-friendly.

17. PINAKA AYAW MONG SUBJECT NUNG HIGHSCHOOL
:: PE! Haha! Maliban na lang kung volleyball ang sport or badminton

18. PINAKA AYAW MONG SUBJECT NUNG COLLEGE?
:: EEE 53

19. PINAKA AYAW MONG PANGALAN
:: Wala naman. Pero may mga pangalan na naguudyok ng inis kapag naririnig mo dahil naalala mo yung tao na may pangalan na ganun

20. PINAKA AYAW MONG INUUTOS SAYO
:: Maglinis ng banyo! Maglinis in general

21. PINAKA AYAW MONG PINAPANOOD SA TV
:: Anime. Mga 'Asian' shows na ang konsepto naman ng pagiging 'Asian' ay kahit na anong gusto ng mga singkit!

22. PINAKA AYAW MONG BUWAN
:: September -- kasi haggard na sa mga trabaho sa school!

23. PINAKA AYAW MONG GINAGAWA PAG UMAGA
:: Gumising itself, haha! Yung maghanap ng pagkain para sa almusal tapos wala akong makalkal sa ref namin

24. PINAKA AYAW MONG GINAGAWA PAG GABI
:: Yung tina-try kong matulog pero hidni ako makatulog.

25, PINAKA AYAW MO- MAMALANTSA, MAGLABA O MAGLUTO?
:: Maglaba!

26. PINAKA AYAW MONG TINITIGNAN O NAKIKITA DITO SA FRIENDSTER
:: Mga flooders at nagpopost ng mga 'because-you've-opened-this-you-have-to-repost-this-and-put-a-nonsense -phrase-as-its-subject!

27. PINAKA AYAW MONG NARERECEIVE NA TEXT
:: Yung mga sobrang sawi na love quotes.

28. PINAKA AYAW MONG TUMATAWAG SAYO
:: Wala naman.

29. PINAKA AYAW MONG NAG EEMAIL O NAG MEMESSAGE SAYO SA FRIENDSTER
:: Chain messages

30. PINAKA AYAW MO SA GF/BF MO
:: Wala naman akong gf o bf, haha!

31. PINAKA AYAW MONG MAALALA NA NANGYARI SA BUHAY MO
:: Nagpakaloko o nagpauto sa mga walang kwenta at walang utang na loob na tao

32.PINAKA AYAW MONG NAKILALANG TAO
:: Si *a**. So far lang naman.

33.PINAKA AYAW MONG TUGTOG
:: Mga pangit ang tono!

34.PINAKA AYAW MONG ORAS NG ARAW
:: 11am-1pm -- kasi ang init! Tsaka nakakatamad dahil kagigising ko lang, tapos lunchbreak na kaagad.

35.PINAKA AYAW MONG SPORT
:: Na nilalaro? Basketball. Na pinapanood? Football. Kung sa panonood lang eh, gusto ko naman ang basketball. Hindi lang kasi talaga ako marunong, hehe!

36.PINAKA AYAW MONG ARTISTA
:: Andami! Yung mga over-rated tulad ni Richard Gutierrez (mag-model ka na lang!) at mga has-beens na kung maka-asta parang sikat na sikat pa tulad ni Richard Gomez. Teka, bakit puro Richard?! Haha!

37. PINAKA AYAW MONG ORAS PAG TINETEXT KA
:: Wala naman. Dahil kung ayaw ko magpaistorbo, sina-silent ko ang phone ko

38. PINAKA AYAW MONG ULAM AT DI KINAKAIN
:: Yung mga pagkain na allergic ako -- hipon, pusit, clams

39. PINAKA AYAW MONG LAHI NG TAO
:: Wala naman.

40.PINAKA AYAW MONG NAIISIP NGAYON
:: Na wala na akong pag-asa...

Quick Thoughts