Recent Thoughts

Tuesday, May 22, 2007

PINAKA-GUSTOs

Just to be fair, even if life isn’t, here’s the positive counterpart of my previous post. (Note: wala na naman ako maisip na topic, haha!) Baka naman isipin niyo eh nagpapaka-angst ako masyado or galit ako sa mundo, hehe!


1. PINAKA GUSTO MONG KULAY
:: Blue has always been my favorite color. But for color combos: blue & green, navy blue & light yellow. Tsaka yung dating color ng blog ko: cool green, cool blue, cool violet and gray! Oha, cool na cool! Ehe..

2. PINAKA GUSTO MO SA KAIBIGAN
:: Una sa lahat, parang boyfriend / girlfriend lang yan, dapat may chemistry kayo ng mga kaibigan mo. Tsaka isa pa, yun tipo na kapag nakapatay ka ng tao, siya yung pwede mong tawagan sa kalaliman ng gabi, tapos tutulungan ka niyang ibaon sa lupa yung bangkay, hehe!

3. PINAKA GUSTO MO SA NILILIGAWAN
:: Err, yung gusto rin niya ako? Haha!

4. PINAKA GUSTO MONG DAMIT
:: Yung mahal, signature, preppy, bwahaha! Joke. Before college, I TRIED dressing cool. But after just a few weeks at UP, I learned to value comfort more, hehe.

5. PINAKA GUSTO MONG HAIRSTYLE
:: Edi syempre yung bagay ko! Duh! Haha! Teka, I have a previous post about this eh. Read here.

6. PINAKA GUSTO NA SINASABI SAYO
:: Na mabait daw ako. Madalang lang yun, haha! Seriously, I love it when friends thank me for something I did that wasn’t much of a deal for me. Pag unexpected, gratitude feels great.

7. PINAKA GUSTO MONG INIINOM PAG MAY GIMIKAN
:: Iced tea? Haha! Basta masarap, kahit may alcohol!

8. PINAKA GUSTO MONG LUGAR
:: Ireland! Though hindi pa ako nakarating doon, hehe!

9. PINAKA GUSTO MONG PALABAS? BAKIT?
:: Sheeet! Andami! Pero lately, Heroes and Brothers And Sisters. Heroes, kasi syempre, sikat eh, tsaka maganda naman talaga siya. Brothers And Sisters, kasi parang ansarap maging kapatid ng mga Walkers! Hehe! Marami din ako gusto sa local channels, pero walang level of addiction..

10.PINAKA GUSTO MONG WEBSITE
:: Yung blog ko! Haha! Joke. Too many too mention. Ah! Wikipedia! Kasi andami ko nababasang interesting stuff about my interests. As for blogs, I like reading the blogs of friends that I personally know – because there are things that people won’t say personally, even to their close friends, so through their blogs, I get to know them deeper and better. As for blogs of other people, basta may sense, witty, funny. NOTE: May mga mabababaw na bagay pero may sense or nakakatawa.

11.PINAKA GUSTO MONG PAGKAIN
:: CHOCOLATES! Lalu na nalusaw sa byahe from abroad, tapos nag-lalangis ng yung wrapper, dahil na rin siguro sa iba’t ibang temperature na naranasan nito. Sheeet! Ansarap nun! Yun nga lang, madumi kainin, hehe.

12.PINAKA GUSTO MONG PABANGO. BAKIT?
:: Well, I use Clinique Happy. Tsaka pala Perry Ellis 360 Degrees.

13. PINAKA GUSTO MONG PRUTAS?
:: No particular fruit. But I love apples, banana and melon on shakes. And strawberry on syrups and juices.

14. PINAKA GUSTO MONG YOSI
:: Yung hindi mausok. Haha!

15. PINAKA GUSTO MONG BINABASA
:: Nakow, andami na naman. Basta mga materials na may natututunan ako.

16. PINAKA GUSTO MONG UNIT NG CELL
:: Of all the phones I’ve had, I like my N90 the best. Syempre, pinaka-high tech eh, hehe.

17. PINAKA GUSTO MONG SUBJECT NUNG HIGHSCHOOL
:: Math, Computer & English! Because I never had a hard time of them. Haha!

18. PINAKA GUSTO MONG SUBJECT NUNG COLLEGE?
:: Sa majors: CoE 131, 111 & 23. Sa mga GE: Psych 101 & Comm 3

19. PINAKA GUSTO MONG PANGALAN
:: Ethan Karl – bata pa lang ako, naisip ko na na ito ang gusto kong pangalan ng anak ko, hehe! Muntik pa nga itong agawin ng Ate ko, haha!

20. PINAKA GUSTO MONG INUUTOS SAYO
:: Err, critique me? Haha! It’s in my blood, Kapampangan ako at namana ko sa parents ko, hehe!

21. PINAKA GUSTO MONG PINAPANOOD SA TV
:: Teka, bakit ngayon ko lang na-realize na kamukha lang ito ng #9, haha!

22. PINAKA GUSTO MONG BUWAN
:: December! Kasi birthday ko tsaka Pasko.

23. PINAKA GUSTO MONG GINAGAWA PAG UMAGA
:: I am barely awake on mornings, haha! To my answer would be to sleep, hehe!

24. PINAKA GUSTO MONG GINAGAWA PAG GABI
:: Mag-marathon ng mga TV series! Haha!

25. PINAKA GUSTO MO - MAMALANTSA, MAGLABA O MAGLUTO?
:: Magluto na lang, at least after ng pagod, may kakainin ka. I’ve always wanted to learn, being matakaw and being Kapampangan, hehe!

26. PINAKA GUSTO MONG TINITIGNAN O NAKIKITA DITO SA FRIENDSTER
:: Updates of friends? Tsaka syempre, mga testimonials and comments, ansarap mag-reminisce eh.

27. PINAKA GUSTO MONG NARERECEIVE NA TEXT
:: Witty jokes! Tsaka Chicken Soup type of text, hehe.

28. PINAKA GUSTO MONG TUMATAWAG SAYO
:: Err, wala. I’m not a telebabad type of person. Random calls from missed friends are great though.

29. PINAKA GUSTO MONG NAG EEMAIL O NAG MEMESSAGE SAYO SA FRIENDSTER
:: Not much really. Halos puro forward naman eh. May text naman kasi.

30. PINAKA GUSTO MO SA GF/BF MO
:: Wala naman akong gf o bf, haha! >> Same answer, haha!

31. PINAKA GUSTO MONG MAALALA NA NANGYARI SA BUHAY MO
:: The times when I know I did the right thing, and it made a positive impact on other people, no matter how little..

32.PINAKA GUSTO MONG NAKILALANG TAO
:: Too many to mention! My friends, sino pa ba. Ayoko na lang mag-mention, kasi baka may mag-tampo. Basta alam na nila kung sino sila.

33.PINAKA GUSTO MONG TUGTOG
:: Westlfie! Haha! Well, not anymore. See my sidebar na lang.

34.PINAKA GUSTO MONG ORAS NG ARAW
:: 6-9pm - because by then, my energy is completely up and running already.

35.PINAKA GUSTO MONG SPORT
:: Volleyball. Tapos runner-ups ang tenpin bowling at badminton.

36.PINAKA GUSTO MONG ARTISTA
:: Aljur Abrenica! Schoolmate ko eh! Haha! Joke. I actually like the likes of Kris Aquino – yeah, despite and in spite of her mistakes. But as a person and as a celebrity, probably Sharon Cuneta & Carrie Underwood.

37. PINAKA GUSTO MONG ORAS PAG TINETEXT KA
:: No particular time.. Pag bored ako..

38. PINAKA GUSTO MONG ULAM
:: Madami! Friend chicken never fails to make me salivate, hehe!

39. PINAKA GUSTO MONG LAHI NG TAO
:: Definitely, Filipinos, even if that means my chances of having blue eyes is ZERO. Haha! Basta, I have faith in our race. Maybe not on our current leaders, but on our race and heritage as a whole, I have great faith in it.

40. PINAKA GUSTO MONG NAIISIP NGAYON
:: Na baling araw, yayaman din ako! Bwahahaha! Seriously, because when I have more money, I can help other people more, kahit papaano. Kahit yun tipo lang na bibigyan ko ng extra allowance ang pamangkin ko. O di kaya, malibre ko sa Starbucks ang friends ko, kahit hindi ko birthday. O kaya mabili ko ng gamot ang lola ko. Or mailibre ko ng 2nd honeymoon ang parents ko, hehe! Or makapag-paaral ng isang batang matalino.. Yung ganun lang naman..

Quick Thoughts