“Sinong bestfriend mo doon?”
“Syempre, ikaw lang!”
Saang commercial na nga kasi galing tong sikat na dialogue na ito? Ewan, ice cream yata yun.
Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko alam ang isasagot ko, haha!
Sa aking St Scho days (Kinder to Grade 2), dalawang tao lang ang naalala kong naging matalik kong kaibigan. Pero sa pagkaka-alala ko, hindi kami nagtawagan ng bestfriend o kung anu pa mang kadramahan. Hindi ako naging maswerte na magkaroon ng pirming kalaro o kaibigan sa school.
Sa elementary DBA days ko naman, mayroon akong 3 maituturing na barkada at mangilan-ilan pang kaibigan. Pero wala pa rin akong best friend. Sa high school, ganoon din. May ‘main’ barkada ako, at marami pang kaibigan pero wala rin akong ‘best friend’. Apat kami sa barkada – ako, si Dennis, Tots at Gamby, pero mas close sina Tots at Gamby. Malamang silang dalawa ang mag-bestfriend, mas una silang naging close eh. So by Pauli’s Exclusion Principle, kami ni Dennis ang partners-in-crime? Haha! Hindi siguro!
Mas madami akong friends sa college kaysa high school. Naturalmente, mas madami kang makikilala sa college eh. O pwede rin na dahil nag-improve na ang ugali ko at nabawas na kahit papaano ang kasupladuhan ko, hehe! Pero syempre, may iilan din akong mga nakilala noong high school na nanatiling matalik kong kaibigan hanggang ngayon (pimping Jigs & James, hehe!).
Palibahasa, mas madalas kong maka-bonding ang mga college friends ko, kaya’t sa tingin ko mas kilala nila ako. Pati mga baho ko sa pang-araw-araw na buhay, alam nila, haha! Pero ngayon, ang mga dating kuya at ate ko, wala na. Nakapag-move on na sila sa mga kani-kanilang careers at ako lang ang natitira pa sa UP. Haha! Kaya ngayon, ako ang kuya ng lahat. Halos singkwenta rin ang mga nakababatang kapatid ko ha.
Hindi talaga ako mahilig mag-bestfriend. Para sa akin kasi, kung kaibigan ko ang isang tao, kaibigan ko siya. Wala nang discrimination kung best friend ko siya o hindi. Basta ang issue sa akin ay ang kung gaano kami ka-close o kung gaano na kalalim ang pinagsamahan at ang pagtititwala namin sa isa’t isa. Ayoko ko kasi yung ituturing kong bestfriend ang isang tao tapos syempre, mag-eexpect ako na ako din ang bestfriend niya. Eh paano kung hindi? Ala ngan namang sabihan ko pa siya ng kakornihan na, “Wuy, magmula ngayon, tayo na ang mag-bestfriend ha?” Kulang na lang eh sabihin ko na, “Oh paano, tayo na ba?” Diba? Haha!
Sa loob ng dalampu’t dalawang taon ko sa mundo, marami-rami na rin akong nakilalang tao. Yung ilan, naging kaaway ko, pero mas marami, naging kaibigan ko. Mayroon din na akala ko kaibgan ko, hindi pala. Ginamit (at ginagamit) lang pala ako.. (May ganoon? Haha!). May iilang maswerte na nakilala ko nang husto at naging importanteng bahagi ng buhay ko. Naks, anlalim.
Wala akong bestfriend, pero mayroon akong tinatawag na 'friends for different occasions'. Ewan ko lang sa inyo ha, pero ako, marami akong hilig o trip sa buhay. At hindi lahat nun related. Mayroon akong fine-dining friends (Jigs & James, kayo to, haha!), videoke friends (Garahe pips!), Starbucks friends (groupmates!), Aguman friends, muni-munihan friends, high school friends, tennis friends, volleyball friends, online friends, EEE friends at marami pang iba! Syempre, hindi naman ako close sa lahat ng mga to, pero ayokong line-labelan kung sino ang mas importante. Kanya-kanya naman silang papel sa buhay.
Isa pa, ang kaibigan para sa akin, parang kapatid lang. Palibhasa kasundong-kasundo ko ang kaisa-isang kapatid ko, kaya ganoon ang tingin ko sa mga barkada’t kaibigan ko – na ang tanging kaibahan lang ay hindi mo kasama sa bahay ang mga kaibigan mo.
Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko (at malayang kumontra ang mga real-life friends ko na magbabasa nito, haha!), pero seryoso akong kaibigan. As much as possible, hangga’t kaya ko, nandoon ako para sa kanila. Pero hindi ako naghahanap ng direktang kabayaran o kapalit. Kuntento na ako na kapag ako naman ang nangailangan ng tulong, maasahan ko sila. Ganon naman talaga sa buhay diba? Give and take... Hindi naman pwede na take ka lang nang take. Yung tipong mabait ka lang kung may kailangan ka.
Pero ako, kahit simpleng appreciation lang, okay na. Pero importante sa akin ang utang na loob, dahil yung mga taong wala nito ang mga nakakasakitan ko ng loob. Pero sabi nga ni Ali Sotto sa interview niya sa Startalk, “If you did it out of love, you won’t regret what you did for them..” And yes, that is tantamount to saying that I do love my friends… like I’ve said, like my very own brothers and sisters. And hey, even siblings fight, right?
Pero, having said that, hindi pa rin ako mahilig sa labelling tulad ng pagtawag sa isang tao ng ‘bestfriend’. Hindi rin ako trying hard maging cool na bibigyan ko pa ng official name ang barkada ko. Ang superficial kasi ng dating eh – may pangalan nga, walang kwenta naman ang mga pinagsamahan. (Or maybe, akala lang nila, napaka-cool nilang people na kailangan pa nila ng ‘name’?) Gayunpaman, sinasabi ko sa mga friends ko na mahal ko sila, na importante sila sa akin, at proud ako sa mga pinagsamahan namin – pero tuwing birthdays lang nila noh, haha! Besides, actions speak louder than words. You don’t have to announce to the world all the time na friends kayo. You just act like real friends that you really are, without much fanfare.
Basta’t marami akong totoong kaibigan, keber kung sino ang best at kung ano ang tawag ko sa kanila, diba? Kailangan ba may best? Kailangan ba may pangalan? Eh bakit, magpapa-recognize ba kami sa Office of Student Activities? Hindi naman diba? Haha!
|