Linggo ng Wika is coming up very soon. So I guess, I should be blogging mainly in Filipino than in English, as a sort of way to celebrate the occasion, more than the usual Filipino side comments. Starting now…
_________
Bilang isang probinsyano, tatlong lengwahe ang alam ko – Kapampangan, ang aking lingua franca; Filipino, ang national language nating mga Filipino; at English, isa pang ‘official language’ natin. Pero syempre, hindi ko naman sila ginagamit nang sabay-sabay, diba?
Kagabi, napagtanto ko kung gaano ka-weird ang pagiging ‘tri-lingual’ ko.
Syempre, sa bahay, Kapampangan ang gamit namin. Pwera na lang kapag kinakausap namin ang mga tatlong pamangkin ko – kasi Tagalog ang gamit namin sa kanila. Bakit? Ewan ko nga ba. Kasi nung baby pa lang sila, halos Tagalog kasi ang mga magiging kalaro nila sa kalsada namin, kaya para hindi na rin sila mahirapan, ayun, sinanay na sa Tagalog. Maliban na lang kapag napapagalitan na sila. Alam na alam mo eh, kasi nag-ka-Kapampangan na sina Ate Joi o Kuya Dennis kapag kinagagalitan nila ang mga tsikiting.
Pero ako, lumaki ako nang marunong mag-Kapampangan. May proof ako eh. Napakinggan ko kasi ang mga voice tapes ko sa tatay namin dati, at nag-ka-Kapampangan ako. Tsaka isa pa, may ilang taon din na sa amin nakatira ang lolo’t lola ko, kaya sanay talaga ako sa Kapampangan.
Hindi ko naman maalala kung paano ako natutong mag-Tagalog. Sabi naman nina Mama dati, kinakausap din nila ako ng Tagalog sabay ng panonood ko ng TV (Batibot and the likes), kaya hindi naman ako nahirapan mag-adjust sa mga kaklase ko nang pumapasok na ako sa school. Pero syempre, may mga iilang pagkakataon pa rin na Kapampangan word ang nagagamit ko sa mga sentences ko. ‘Slip of the tongue’ ba. Kunwari, imbes na “Mag-ingat ka, maiipit ka sa pinto!”, ang masasabi ko, “Mag-ingat ka, masisipit ka sa pasbol!”
Sa school na ako natutong mag-English nang maayos. Palibhasa stage mother ang nanay ko at honor student din siya, kaya ayun, chinecheck niya lahat ng assignments ko at ultimo grammar talaga pinakikialaman pa niya. Kaya salamat sa Diyos, lumaki naman ako ng may ‘good command of the English language’.
Eto na ang weird na part…
Sa pakikipag-usap sa ibang tao, Kapampangan at Filipino ang gamit ko. Syempre, depende sa sitwasyon, kung Kapampangan ba ang kausap ko o hindi, o kung nasa Pampanga ba ako o nasa Maynila. Madalang lang ang English. Syempre no, baka isipin nila, matapobre ako, bakit naman ako mag-i-English diba? Pwera na lang kung nag-rereport ako dahil natural, English ang gagamitin ko.
Sa pagsasalita sa entablado o hosting, mas prefer ko ang English, with a little code-switching. Syrempre, MTV generation yata ako, kaya ilang taon ko ring pinangarap ang maging VJ. Kaya dati, pa-English-English ako sa harap ng salamin, haha! Pero syempre ulit, depende sa program diba. Kung pormal ang okasyon, straight English as much as possible pero kung keri lang ang mag-Tagalog, edi yun na lang.
Sa pagsusulat naman, ah, mas gamay ko talaga ang English. Ewan ko ba kung bakit, pero mas naipapahiwatig ko ang nararamdaman ko sa English kaysa Filipino. At sa tingin ko, mas malawak ang word bank ko sa English kaysa Filipino (although pwede ring factor na sa totoo naman, mas maraming English words kaysa Filipino words). Halata naman dito sa post na ito diba? Ilang beses ko na bang ginamit ang salitang syempre – 7 na beses na. Eh kung English ang post na ito, I could’ve used, ‘of course’, ‘oh well’ o ‘well’, ‘but’, ‘naturally’, ‘certainly’, etc. Maiisip ko agad ang mga words na yun. Creativity-wise talaga, mas ‘at home’ ako sa English. Hindi kasi ako marunong ng diretsong Tagalog kung ‘conversational’ ang mood ng sinusulat ko. Laging nagmumukhang pormal masyado. Eh sa English, kaya ko maging conversational, technical o formal sa pagsusulat. Gayunpaman, sa Tagalog, kabisado ko naman ang basic grammar rules. Tulad na lang ang tamang pag-gamit ng ‘ng’ at ‘nang’. Oha! Pero mahirap mag-proofread, haha!
Narinig ko na to dati: “One thinks using his mother tongue”. So kapag nag-iisip ako, Kapampangan ba or Tagalog ang ginagamit ko? Hinde. English talaga. Sosyal, diba? Oo, seryoso! (Oh diba para ko na rin sinabi, ‘Seriously!’) Hindi ako nagmamagaling o nagpapaka-coño, pero more on English talaga.
Kapag nagdadasal ako, English din gamit ko. Syempre hindi naman purong English no. Edi sinapok ako ni Lord sa pagiging pretentious ko. Kapag hindi ko na maexpress sa English, saka na ako mag-ko-code switch to Kapampangan. Tsaka feeling ko kasi, napapractice din ako, tutal si Lord lang naman ang nakikinig, so kahit magmukha na akong engot sa kaka-Englishing, hindi naman ako mapapahiya sa Kanya.
So ang ibig sabihin ba noon, bilang Pilipino, hindi ko mahal ang sariling wika natin? Hindi naman siguro diba? Hehe! Eh sa mas sanay ako sa English eh. Eh bakit, kapag ba nag-iisip ako habang nag-eexam sa thermodynamics, electromagnetics o digital design, Tagalog ba ang gagamitin ng utak ko? Hinde diba? Haha!
So bilang recap lang: In speaking to other people, I converse in Kapampangan or Filipino. Pero sa pagsusulat at pag-iisip, English. Abnormal ba iyon? Kayo ba, anong gamit niyo?
*TriLiPer: Trilingual person, you know, just like TriNoMa.. Yeah, yeah, corny, hahaha!
|