Recent Thoughts

Wednesday, April 12, 2006

Blogadag

I just spent the last 5 or 6 days tending to my blog. At ano naman na-produce ko? Let’s see..

*Poll Question – nakita ko ito sa blog ni ham. Wala lang, natuwa naman ako. So far, lima na ang bumoboto sa corny kong Poll Question. Iyung isa, ako pa iyun.

*Site Counter – for days now, nag-disapperaing act ang luma kong site counter. I tried accessing the mainsite where I got it, ayun, may error. The site has been suspended daw. Kaya eto, I switched to the counter provider na ginamit ko sa blog ni Jerome.

*Clustrmap – I got this from one the blogs I surfed sa Blog Explosion. Ang cute eh, it shows where in the world are the readers of my blog. Kamusta naman ang readers ko from Germany and Panama? Do you understand what I'm saying? Haha!

*Other Bloggers – well, hindi naman ito bago. Inupdate ko lang siya. Dati, mga friends ko lang ang naka-link sa akin. Ngayon, lahat ng nagta-tag, linilink ko na rin. Nakakatuwang isipin na marami nagaaksaya ng internet time para tingnan ang blog ko. Well, most of them probably won't come back, pero at least diba? Pandagdag din ng counter at tags, haha! A simple ‘napadaan lang..’ has a big effect. Kasi naman, pati ibang tao na nakikidaan lang, napapadaan sa mga links sa mga tags. Ansaya! =)

*Weboscope­ – hindi ko na sure saan ko nakita ito. Like Clustrmap, it simply monitors my blog, and more. It lists unique visitors, from what countries, what browsers they use, what time zones, how many seconds they spent on my blog, etc. ang galling no? Everytime I open my account, natutuwa ako. Favorite feature ko iyung Countries. So far, more than half of those who access my blog ay foreigner. Kamusta naman sila, hindi pure English mga posts ko. Hehe.. I should speak more English from now on.

*Blog Directories – I subscribed to Blog Rankings, Blog Catalog, Blogarama, Globe of Blogs, Blogwise & Bloghub – which most probably explains the increase in my readership, especially those from other countries.

*BlogExplosion – matagal na ako member nito. Pero for the past week ko pa lang kinareer ito. I'm actually earning credits na for surfing member blogs. Kaya eto, andami accesses sa blog ko.

*iBlog2 – I will attend this blogger’s summit, total sa UP College of Law naman siya. Since for free naman, why not diba? Excited na nga ako eh. =)

So there, I think naman, improved kong matatawag ang blog ko. I've also been surfing other blogs and I'm really enjoying it. It’s nice to know what other people are up to, kahit hindi ko sila kilala. It’s amazing to discover bloggers have lots of common topics. Especially these days, marami ako nabasang musings about being delayed sa graduation. (Madami naman pala kami, hehe.. ) Pero ang kinaiinggitan ko talaga is their personalized templates. Damn! I really need to put ‘learn html’ in my things-to-do for the summer. Nakakahiya ang sa akin, isa sa mga default templates.

Blogging and bloghopping is one of the reasons why I'm awake til four in the morning. Well, actually, sira lang talaga body clock ko. Plus, lately talaga, tulala lang ako pag-gabi, nag-iisip about life. I hope that by the end of this summer, may personal template na ako. =)

Sa lahat ng napapadaan, maraming salamat! Pasensya na, medyo depressing mga recent posts ko. Hindi naman ako laging ganito. From now on, mga masasayang bagay ipopost ko, hehe, And oh yeah, I need to post more in English, because I have lots of readers from other countries. Blimey. Haha! =p

My Blog List

Quick Thoughts


Powered By Blogger