Recent Thoughts

Friday, April 28, 2006

Blogs Galore! 2

I have so many things in mind right now. Halu-halo! Nakasumpong na naman ang writer's block ko. I have so much to write about and yet, I can't find the right words to type or I'm not satisfied with my line of thought. Anyway, gawa na lang ako ng follow-up sa una kong post dati titled Blogs Galore!

__________
PBB TEEN EDITION

Asus, eto na naman, about PBBTE na naman! Wala lang, gusto ko lang i-announce na Aldredian and Kimian ako. Wahaha! Tuwang tuwa talaga ako kay Kim, lalu na nung kumanta siya ng Chinese song sa confession room. may action pa talaga siya. Tapos nakakatuwa rin reaction niya noong paglabas niya at nalaman niya na pinarinig ni Big Brother sa buong bahay ang boses niya. Parang ansarap niyang maging kapatid o kabarkada no? =)

Haay, nakaka-addict na to. Namimiss ko tuloy mga orgmates ko sa UP. Kapag pinapanood ko ang kulitan, asaran, tawanan at kung anu-ano pang kababawan sa bahay ni Kuya, naalala ko mga friends ko.

I really think that PBBTE is the edition that truly embodies the 'teleserye ng totoong buhay' thrust of PBB. Anyone will see a piece of themselves in each of the housemates. And what is happening inside the house so far are very much similar to what actually happens to the average Filipino (teenager). If you've been an avid viewer, you'll know what I mean. Pansinin niyo, lahat ng nangyayari sa bahay sa loob ng 4 na araw ay either nangyari na sa iyo or may kilala ka na napagdaan ang ganun. Diba?

__________
BUSTED BODY CLOCK

For the past five days, I've been trying to correct my busted body clock. It's so busted, that I feel like I am living in Saudi Arabia. It is shifted by up to 5 hours. Whenever I'm here at Pampanga (because when I'm at QC, it's a different story, syempre, may classes eh, may definite waking time ako), I'd still be awake til up to 5am, sometimes I even catch a glimpse of the first few sunrays of the day. Then I'd sleep til way past lunchtime (worst was 2pm). While the rest of the household is already having thier afternoon siesta, I'm just about to have 'breakfast'. Grabe, ewan ko ba, tuwing bakasyon, unti-unting nasisisira body clock ko. Nung sembreak (October 2005), kapag gising pa ako ng 2am, big deal na yun, kahit ano pang ginagawa ko, tinitigil ko na para matulog. Sus, ngayon, 2am, I'm just starting to do some thingies.
So since Monday, I've been disciplining myself to sleep early and wake up early. It worked for the first four days. Imagine, I woke up at 9am. It was a miracle indeed. But then last night, PBBTE Uplate was SO late it ended at 2.30am. My bedtime should've been 1am. Darn! So this morning, or should I say, this afternoon, I woke up at 12.50pm. So mamaya, por pabor, sana hindi masyado late ang PBBTE Uplate. Para makatulog ako ng maaga.

_________
DARN MEMORY CARD!

T***ina! Bigla ba namang nabura mga messages sa memory card ng cellphone ko!? Ewan ko kung ano nangyari. Basta nag-batt-empty siya (normal lang iyung, 1 bar na lang kasi siya pag-gising ko). Edi chinarge ko. Tapos pagbukas ko, bigla ko na lang na-realize na burado mga messages ko. At hindi lang siya System Error na ayaw lang ma-view ng mga messages. Kasi chineck ko ang memory usage at bigla na lang nagka-2MB na memory free. So it means, nabura talaga. Shet naman, twice na nangyari ito in a month. Last month kasi, I was forced to format the memory card. That means I have to erase 2 years worth of my best-kept messages / quotes from my friends.

Gusto ko sana itext nanay ko para sabihin na gusto ko na ng bagong phone, na since January ko pa inilalambing sa kanila. Kaya lang nahiya ako. Ikaw, masasabi mo ba sa parents mo na, "Pa, Ma, bili niyo naman ako ng bagong phone, kahit N70 lang.. sige na, please. Sira na kasi memory card ko eh.. Nabura na naman mga messages ko.." knowing that just recently, you've been a great disappointment? Pagtiyagaan mo na lang ulit yang memory card mo diba, you so don't deserve it eh. =(

My Blog List

Quick Thoughts


Powered By Blogger