Recent Thoughts

Friday, May 19, 2006

Back In The City

I've been to UP for the past couple of days. Secret na lang kung ano talaga business ko doon, hehe. Narealize ko noong nakasakay ako sa bus, "Shet! One month na akong hindi lumuluwas ng Maynila!" Ibig sabihin, more than 30 consecutive days akong nasa Pampanga. Eh ano naman big deal doon, you might ask. Well, it's the longest I've been away from the metro since I entered college. Syempe, every week nasa Quezon City ako. Add the fact that this year, it's my first time to not take summer classes. Since college, longest holiday ko na from school would be sembreaks. But then again, during those sembreaks, may mga araw na lumuluwas pa rin ako for some academic stuff like getting my class cards.

Isang buwan na rin akong babad sa buhay probinsiya. Haha! Hindi naman palayan ang lugar namin ha. But even if I'm technically still in a 'city' here in Pampanga, 'city life' in Metro Manila is still different -- way different. Syempre, nothing beats the traffic and smug of the capital of our country! Hehe!

So ano naman ang extra-curricular activities ko sa aking pagluwas? Noong Thursday, kapwa ko lumuwas si Jerome, ang aking housemate / orgmate. Hindi rin siya nag-summer classes kaya kating-kati na siyang gumimik. That's one major difference between QC and CSFP (City of San Fernando - Pampanga), mas madaling gumimik sa Maynila. Hindi naman problema sa akin ang pagpapaalam. Sus, ako yata boss! Hehe! The thing is, sa Maynila, isang tricycle ride lang ang layo ng mga bahay ng mga friends ko, kaya andaling magkita-kita at pumunta kung saan-saan para mag-unwind. Dito sa Pampanga, para sa iilang mga friends ko ay pahirapan sa pagpapaalam sa mga kani-kaniyang magulang. Anyway, we had lunch with some barkada na matagal na naming hindi nakikita (sila kasi ay nag-summer classes) sa CASAA (wui, in fairness, na-miss ko ang food dito sa UP version ng SM Food Court). Syempre, kamustahan at kwentuhan galore. Together with Porshe, pumunta kami ng Megamall (kulang na lang eh bumili ako ng lobo, kasi antagal ko nang hindi nakakapunta ng Megamall, hehe) para bumili ng mga DVD-Rs for me at tsinelas for Jerome (O diba, talagang lumuwas pa siya para lang bumili ng tsinelas, haha!). Then we walked the hot walking distance between SM Megamall and Robinson's Galleria to watch The Da Vinci Code. Tapos ay sabay-sabay na kami umuwi. Kanina naman, lumuwas na naman ako to attend to some stuff. Tapos nakita ko sina Kuya Argel & Ate Maan (housemates / orgmates) at syempre, kamustahan and kwentuhan galore na naman. Sabi ni Argel, umitim lang ako. Haha! Kung kelan hindi na ako halos lumalabas ng bahay, saka pa ako umitim. Kainis kasi, nagka-pimple breakout ako this summer. Sabi naman ni Ate Maan, bumata daw hitsura ko sa aking gupit. And finally, isa na namang barkada / orgmate ang nakasaby kong umuwi, si Yek.

It felt good to be back in the city if only for 2 days. In all fairness, I missed the traffic and smug, haha! Last Thursday majority of the familiar billboards are missing. Hindi ko tuloy nakita si Nicole Hernandez doon sa may Tollway Plaza habang pinupukpok niya ng sapatos ang isang bote ng Pepsi. And of course, I missed the UP Campus. Too bad, since the summer is about to end and with the recent rainy days, the very sunny sunflowers at our University Avenue are well, not very sunny anymore. Nakayuko silang lahat. Iyung iba naman ay nagsitumbahan na. I also missed the blooming of the sort-of cotton trees in the AS parking lot. Dati kasi, tuwing summer classes, nagmimistulang snow ang mga mala-bulak nitong bulaklak. Good thing though, I was still able to do a yearly summer endeavor -- freshie spotting! Haha! I spotted 5 when I was aboard the UP Campus-Pantranco jeep. It was easy because they were all holding the long brown envelopes that shout Mabuhay Ka, Iskolar Ng Bayan! What's funny and weird at the same time is where I spotted them. Kasi usually, maraming freshie sa acad oval, sa may Vinzon's, sa may Shopping Center at syempre sa may Infirmary. But for this fresh batch of naive individuals, walking along the University Avenue at almost noon was their idea of immersion in UP life. Haha! (For those who aren't aware, there are no academic buildings along the University Avenue. It has sidewalks for pedestrians indeed, but it sure is weird what they were doing there and where they are heading.) Sige, next time naman, I'd write about my funny bloopers and experiences when it was my turn as a college freshman in UP. For now, I'm back to my simple life in the province, haha! (Simple life daw oh, samantalang halos every week, nanonood ako ng sine sa Robinson's Starmills! =p) I have two weeks of vacation left, and I'm gonna make the most out of them -- kain, tulog, internet, TV, kain at tulog ulit! Bwahaha! 'Til next update! =p

My Blog List

Quick Thoughts


Powered By Blogger