I officially declare this week as SM City week. Haha! Bakit? Well, Araw-araw lang naman ako doon buong linggo. Okay, so maybe I'm exaggerating. Hindi naman siya masyadong ‘whole’ week. 4 days lang naman out of 5. Monday, andun ako. Tuesday, andun ulit ako. Wednesday, yes, you guessed it right – andun ako. Thursday, well, I wasn’t. And Friday, kanina, opo! Andun ulit ako! Kamusta naman iyon diba, parang andami-dami kong pera pwedeng ilustay sa mall.
May 1, Monday – 5.30pm na kami umalis ng 2 kong pamangkin papuntang SM. Actually, hindi naman talaga SM ang pinunta ko doon kundi ang Starbucks. May coupon kasi ako for May 1, iyung Buy 1 Take 1. Eh sayang naman. Kaya ayun, sumama ang 2 kong pamangkin. Hati kami ni Jasper (he’s 6 years old) doon sa bayad sa Starbucks na P165. Umorder ako ng Banana Caramel Frappe, siya naman, Banana Mocha Frappe. O diba, sosyal siya. He’s only 6 years old but he was able to afford his own Starbucks drink. Samantalang ako, college na when I first had a Starbucks drink. Anyway, umuwi rin kami agad.
May 2, Tuesday – I was supposed to apply for a new Student Permit sa LTO (Mayroon kasing ganito sa SM Pampanga). Pero dahil sa late ang gising ko at syempre ang pag-alis ko sa bahay, kinailangan ko pang magpapicture, ayun 3.30pm na pagdating ko sa LTO. Sabi ko, “Miss, pahingi ng form for student permit.” Malugod naman niya akong binigyan, sabay sabing – “Uhm, bukas ka na lang bumalik ha…” Looking at the huge volume of people waiting outside, and seeing how disorganized the LTO people are. Mabuti nga siguro na bukas na lang ako bumalik. Pero hindi naman ako umuwi na empty-handed. Nakabili ako ng bagong sandals sa department store. Mura lang siya noh, hindi tulad ng mga Tribu or Sandugo.
May 3, 2005 – so ayung nga, I had to go back for the student permit. 11.15 na nang dumating ako. So edi pinass ko na ang accomplished form ko eh. “Balik ka ng 1.30pm.” HUWAT?! Jeepers, 2 hours kong kailangan pumatay ng oras. So ayun, nanood na lang muna ako ng sine. I watched The Wild. At kamusta naman na ako ang unang ttao sa sinehan. As in nakatakip pa ng kurtina ang big screen, haha! Pagbalik ko, 1.45pm na. in fairness, by 2.30pm, nakuha ko na permit ko. Ang hindi ko magets ay kung bakit more than 2 hours ang pagitan ng step 1 sa step 2 ng application for a student permit! Buti na lang at nakita ko si Jhae, orgmate ko. Ayun, palakad-lakad siya at mukhang wala sa sarili. May kakwentuhan ako habang naghihintay sa LTO.
May 5, 2005 – I had to photocopy the newsletter of our org. kaya tinry ko sa Copytrade sa SM. Leche! Ayaw nila magphotocopy ng back-to-back. Kesyo manipis daw ang papel nila. Aarrrgh! So ayun, I went home na walang na-accomplish. Nakakatuwa dahil sa a little over an hour na inilagi ko sa SM kanina, 4 na orgmates ang nakita ko – 2 alumni at 2 na nag-sasummer classes. Kamusta naman iyun? Around 5pm na noon, iyung 2 nga eh may bitbit pang traveling bag. Obvious na galing UP. Siguro til 3pm ang last class nila.
So there, isang linggo kong berks and SM Pampanga. But the weird thing is, I miss SM North. Haha! Ewan ko ha, pero sa apat na araw ko sa SM Pampanga, feeling ko lagi eh bagong salta ako dun, na parang first time ko. Di tulad sa SM North na parang sanay na sanay na ako sa kanya, na kahit iblindfold mo pa ako, I’d still find my way through it. Parang walang homey feeling. At talagang may ganon no – mag-expect ba ng ‘homey’ feeling sa isang shopping mall? Haha! At isa pa, dito sa SM Pampanga, mayroon at mayroon akong familiar face – whether I know them personally or not. Pwedeng schoolmate ko sa DBA (kahit anong batch pa siya), or taga-St Jude na village namin (iyung mga tao na nakikita ko kapag nagsisimba). Basta it never fails, ewan ko ba. I mean, bakit sa SM North, walang ganung factor? Haha!
|