Recent Thoughts

Friday, May 12, 2006

Top 10 Personal Addictions

This is a top 10 of all of my addictions or kapritso of all-time. The entries are actually in order, #1 being biggest addiction. My criteria in ordering them is the gravity of the things I did all for the love of these things. Kumbaga, the weirder, the better, haha! Take note though that not all entries are still ongoing addictions to date. I've grown out some of these.

10 Unlimitxt – It started as TXTNONSTOP. Hindi naman talaga ako mahilig mag-text, kasi masyado ako kuripot sa load. When the P15/day version was introduced, I didn’t avail of it. Noong naging P50/5 days na siya, doon ko pa lang kinagat ang promo. Eversince, regular na akong naka-unlimited texting. Nainspire pa nga ako ng isang separate na Top 10 for Unlimitxt eh! Sabi nga friend ko, para daw akon food ration. Kung magtext daw ako ng quote ay may pang-breakfast, snack, lunch, dinner at humihirit pa ng midnight snack! =p

9 Starbucks – Read this previous post for more info. Basta, alam kong mahal pero bumibili pa rin ako. Sabi ko nga dati, ang alibi ko naman ay maubos ang mga free coupons. Siguro it’s the feeling na kaya kong magyabang habang naglalakad na may hawak na Starbucks cup. Ansakit sa bulsa eh, pero masarap sa lalamunan. Right now, I limit myself to one frappe a month. Pinagtitiyagaan ko na lang iyung mga personalized frappe na ginagawa ko sa bahay.

8 Desperate Housewives – I first heard of this series from a replay of an Oprah episode featuring the Housewives. But I wasn’t able to watch a single episode until months later (April 2005) when I came across a website maintained by a guy who regularly records the series and uploads the episodes. First episode pa lang, hooked na ako. Nahawa ko ang mga housemates ko, then my sister, then my other orgmates until finally, a local channel began airing it. At ayun, sumikat din siya on its own. When I first came across the website, 14 episodes na ang naka-upload. So I finished off all of them in one Friday night til Saturday afternoon.

7 Shopping – This addiction to clothes started when I stepped into college. Dahil walang uniform sa UP, narealize ko na ang konti ng damit ko! So I shopped for more clothes. Ang alibi ko dati, para hindi agad maluma ang mga damit ko, kasi nga araw-araw ko na silang isusuot. Syempre, ganun din sa sapatos. Until ayun, na-addict ako sa window-shopping at shopping itself (well, actually, window shopping lang talaga, walang pera eh!). One time, I bought 4 shirts sa Department Store ng SM North. Sale kasi, eh, haha! Disclaimer: hindi ako fashionisto, simple lang ang taste ko.

6 American Idol – Full-time addiction came in Season 4. I immediately fell in love with Carrie Underwood. Tapos naging fan din ako nina Vonzell Solomon and Anthony Fedorov. On the Finale week, may mga requirements pa akong tinatapos sa school for summer classes. At dahil wala sa QC yung friend ko (sa kanya kasi ako nakikipanood), umuwi pa talaga ako ng Pampanga ng 6am para manood ng Results Show at 8am. Tapos bumalik din ako ng QC in the afternoon. Sulit naman kasi nanalo ang bet ko, haha!

5 MP3s­ – music lover talaga ko. Noong nagka-matinong PC ako, doon na nagstart ang addiction ko sa mp3. Kazaa pa ang sikat noon. Then around a year ago, I shifted to Limewire. Lahat ng songs na gusto ko, bago man o luma, dinadownload ko. I have a little over 3,000 mp3 files right now. At may sarili pang partition sa hard disk ang mga mp3.

4 Blogging(read previous entry). Lahat ng signs na iyun, applicable sa akin. Bakasyon grande kasi ako since April kaya napagtuunan ko nang husto ng pansin ang blog ko. I do hope that when my classes resume, I can still maintain my blog.

3 MTV / MYX – noong high school pa ako, dahil hindi pa masyado norm ang internet, panonood lang ng MTV ang halos ginagawa ko. Sabi nga ng service driver namin sa anak niya, “Anak, kung gusto mong maging valedictorian tulad ni Rex, manood ka lang ng manood ng MTV.” Haha! MTV Asia Hitlist, MTV Diyes, MTV Most Wanted. Lahat yan, weekly kong pinapanood. Ngayon well, MYX na, hehe. Pero hindi na rin ganoon kagrabe, kasi madami na akong mp3 eh. Pero may remnants pa ako ng addiction ko nito. Sa kwarto ko ngayon, nakadikit ang 40 bond paper size artworks ko ng MTV logo.

2 Chocolates – ito ay hindi ko na kailangang iexplain. Marami naman mahilig sa chocolate diba? Kapag may chocolate sa bahay, nagiging higanteng daga ako. Kasi every now and then, makikita mo akong kinakalkal ang ref namin for chocolates. Worst case ko na siguro is noong inubos ko ang isang medium-size pack ng Hershery’s Hug in one sitting. One time naman, bumili ako ng Choco-Caramel Roll sa Red Ribbon at ako lang ang kumain! Haha! At kamusta naman ang blog address ko diba? =p One weird about me though even if I so love chocolates, I don't really like chocolate-flavored ice cream or shakes. Rocky Road, Super Chocolates, etc. Dapat may twist like Chocoloate Mousse. Kung plain chocolate din lang, no thanks.


1 Westlife – sheet, I will sure get a lot of flak for this. Yep, addict ako ng Westlife noong highschool ako. Kumpleto ako sa albums – all 7 of them, pati na rin yung 3 special editions ng 1st 3 albums. Kaya din ako na-addict sa Smash Hits na magazine eh (yung UK version ha, hindi yung murang song hits), kasi noong time na sikat ang Westlife, lagi silang featured. Lagi ko inaabangan at rinerecord from MTV ang mga videos nila. Minsan, wala ako magawa, sinukat ko total area ng mga poster ko – more than 13 square meters! Lahat ng VCD kumpleto din ako. Nanood din ako ng concert nila sa Manila noong 2001. Well, hindi naman siya front seat, iyung P850+ na pang Upper Box lang. Nagdala na lang ako ng binoculars. Haha! And to top it all off, member ako dati ng official Westlife Fan Club. Nakatago pa nga iyung Membership Card ko eh! Haay, grabe! I'm sure bumaba na ang tingin niyo sa akin dahil sa kajologsan kong ito, haha! I could go on and on about sa mga kalokohan na ginawa ko para sa Westlife. Pero wag na, nakakahiya talaga, at least gets niyo na kung bakit ito ang #1. We all know that they aren’t as popluar anymore, but I'm fine with it. I still ‘look up’ to them in a way (haha, kahit bading pa yung isang member), because they are a reminder of my teenage years. Feeling ko nga, the only reason I bought their last ablum isn't because I like it, but out of loyalty na lang. Hindi ko na rin naman kasi madalas i-play ang songs nila. I've grown out of their cheesiness. Pero syempre, every now and then, nakakatuwang marinig ang mga songs nila – may nostalgic effect. Natatawa ako sa sarili ko sa mga pinang-gagawa ko para lang sa kanila! =p

So there, sana irespeto niyo pa rin ako despite of a number of stupid addictions, haha! Grabe, nakakatawa talaga. Ansarap ikwento nito sa mga magiging apo ko. "Alam niyo ba mga apo, addict ang lolo niyo sa _____ noong bata pa ako!"

My Blog List

Quick Thoughts


Powered By Blogger