Recent Thoughts

Sunday, May 07, 2006

Sarbi: Fill In The Blanks

1. Hindi masarap ang hamburger kapag...?
>> walang cheese? But then again, hindi na hamburger iyon diba, kasi cheeseburger na siya. Haha!

2. Hindi kompleto ang araw ko kapag..?
>> hindi ko na nabuksan ang aking laptop at tingnan ang aking cellphone. On ordinary days, laptop at cellphone lang ang aking karamay.

3. Hindi masaya ang party kapag walang...?
>> friends na present, at syempre, good food to eat.

4. Ang pamilya ay hindi masaya kapag...?
>> hindi sila nagkakasundo. Dati akala ko, blood relations are enough. Pero ngayon alam ko na hindi porke't magkadugo nakayo ay magkaka-malasakit na kayo sa isa't isa. Sa ating buhay, may makikilala tayong mga hindi kadugo na ang turing natin ay daig pa ang isang kadugo.


5. Ikaw ay masaya kapag...?
>> kasama ko mga friends ko. Kahit kwentuhan / kulitan / asaran kuntento na ako doon.

6. Masarap manood ng sine kapag...?
>> maganda ang pelikula! A strange fact about me is that I can watch a movie on my own. Madalas ko ngang gawin iyun eh. Pero syempre, mas masarap pa rin kapag may kasama ka.

7. Iiyak ka kapag nawala...?
>> ang aking mga mahal sa buhay. (Ang corny ng tanong na ito ha... ). Well, other than that, naiiyak talaga ako kapag nawawala or namamatay ang mga dogs ko, noong bata pa ako. Haha! Affected talaga ako.

8. Masarap mabuhay kapag...?
>> lahat ng pangarap mo ay unti-unting natutupad. Haha! Napaka-showbiz!

9. Madalas kaming mag-away ng kapatid ko kasi...?
>> we hate each other. Susme, actually, my sister and I don't really fight. Dalawa na nga lang kami hindi pa ba kami magkakasundo? Kamusta naman iyon diba?! Pero syempre, dahil 8 years older siya sa akin, there are times na napagsasabihan niya ako, hehe. But I wouldn't really consider that as fighting.

10. Gusto kong magpunta sa...?
>> Ireland. Aside from the fact na talaga namang maganda dito, it hold a special place in my heart. Secret na lang kung bakit! Haha! Ang baduy eh...

11. Hindi masaya ang inuman kapag walang...?
>> intriguing na usapan. Though sa totoo lang, hindi talaga ako umiinom. Hehe..

12. Masarap maging lalake kasi...?
>> makakapaglakad ako sa daan nang hindi mare-rape (lalu na kapag gabing-gabi na) or mababastos. Yeah, it's unfair siguro, pero wala eh. Kasalanan ng mga babae iyan, konti lang mga manyak sa kanila, haha!

13. Umiinom ako ng beer kc...?
>> geesh, hindi nga ako umiinom!

14. Sinabi mo sa isang tao na may feelings ka sa kanya kasi...?
>> iyon ang totoo. Ayaw na ayaw ko sa mga sinungaling, kaya I try my best to take care of my credibility. Hindi ko sasabihin na special ka sa akin kung hindi ka naman special. Hindi ako ganoon kagwapo para magpaka-pabling. But then again, kahit na gwapo ako, hindi ko pa rin gagawin iyon. Dahil masakit kapag niloloko ka ng mga taong binibigyan mo ng importansiya.

15. Hindi ka nag resign ngayong taon na ito kasi...?
>> ano daw? Hindi ako si Gloria..

16. Hindi kompleto ang barkada kapag...?
>> wala ako! Hahaha! Walang makulit, walang maingay, walang sarcastic, walang mang-ookray! Haha!

17. Boring ang buhay kapag...?
>> wala ako! Haha! Conceited eh ano. Seriously, kapag walang musika. Haha, anlalim ng sagot ko no?!

18. Masakit magmahal kapag...?
>> ito'y unrequited. Wushu, biglang nag-English eh ano.

19. Malungkot ang buhay kapag...?
>> anu ba! Ang redundant pala ng survey na ito.. hmmmp..

20. Sinasagutan ko to dahil...?
>> exciting, parang fast talk ni Boy Abunda. Wehehe... =p

Quick Thoughts